Menu
Philippine Standard Time:

ANG LIBAY

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š, ๐”๐ฆ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š ๐๐š!

Sinimulan na ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang โ€œFilipino: Wikang Magpalayaโ€ sa Pasay City East High School nitong Agosto 13, 2024 sa Audio Visual Room.
Pinangunahan ito ng guro sa Filipino na si Gng. Marites V. Mallon bilang tagapagdaloy ng programa. Inumpisahan ito sa pamamagitan ng Pambansang awit ng Pilipinas at sinundan naman ng isang panalangin na pinamunuan ni Bb. Bituin G. Gargoles.
Naghatid naman ng pambungad na pananalita ang katuwang na punongguro na si G. Roger Escarilla. Aniya “Malaya nating maipapahayag ang ating opinyon, mahugbog na damdamin, at gamitin natin ang Wika bilang instrumento ng ating buhay.”
Sinundan naman ito ng guro sa Filipino na si Bb. Jenny Riozal ang pagtalakay tungkol sa tema ng Buwan na Wika ngayong taon na “Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Inilahad ni Bb. Riozal kung bakit mahalaga ang wika lalo na sa kasalukuyang panahon.
Ipinaliwanag din ng mga guro sa asignaturang Filipino ang mga patimpalak at palatuntunan para sa Buwan ng Wika.
Naghatid naman ng pamukaw sigla ang Opisyales ng Filipino Club sa pamamagitan ng isang sayaw at ni Jazmine Mabasa na nagmula sa ikawalong baitang, seksyon Mangga sa isang awitin
Natapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni G. Bello T. Camacho, Puno ng Kagawaran ng Filipino. Aniya, “Mabuhay ang Wikang Filipino.”
Halina’t makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Paaralang Silangan!
ย 
Nina: Isaiah Dalisay at Diana Relente
ย 
kuha ng larawan nina: Dexter Ogale at Isaiah Dalisay

Ang mga kasapi ng Filipino Club kasama ang ating kawaksing punongguro G. Roger B. Escarilla.