“Nagsimula ang lahat sa eskwela nagsama-samang’ labingdalawa, Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isa’t isa. Madalas istambay sa capetirya isang barkada na kay saya. Laging may hawak-hawak na gitara konting hudyat lamang kakanta na..” Ito ay bahagi ng awitin na pinamagatang Saan Na Nga Bang Barkada? ng grupo ng orihinal na pilipinong mang-aawit. Ang awitin nilang ito ay bahagi ng kuwento ng kanilang pagsasamahan na nagsimula sa eskwelahan kung saan nabuo ang kanilang banda na kinilala nga sa tawag na APO HIKING SOCIETY.
Sa kaparehong kuwento rin nabuo ang grupo ng mga estudyante sa ating paaralan mula sa iba’t ibang grado o antas at ito ay tinawag na BANDANG SILANGAN. Nabuo ang samahan noong taong 2018 kasabay ng pagdiriwang ng 50th Founding Anniversary ng ating paaralan. Binuo ang grupo para sa pagdiriwang noon at inatasan sila upang sumulat ng theme song ng gintong anibersaryo na pinamagatang “Ako’y Laking Silangan”. Mula noon ang Bandang Silangan ay paulit-ulit nang naimbitahan upang magbigay ng awitin sa mga pagdiriwang gayundin ang kanilang paglahok sa mga timpalak sa pag-awit.
Sa kanilang mga tagumpay ay nakilala na nang lubusan sa paaralan ang grupo.
Ngayong 2019 matagumpay na nakamit ng Bandang Silangan ang Unang Puwesto sa 2019 Division Level Brigada Eskwela Jingle Making Contest na may temang Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan. Ang timpalak na ito ay nilahukan ng lahat ng mga pampublikog paaralan sa ating dibisyon na kung saan ay napagkasunduan na kung sino ang makakakuha ng unang puwesto ay ang siyang magiging kinatawan ng dibisyon para sa panrehiyong patimpalak.
Tulad ng inaasahan, bagamat hindi nakuha ang unang puwesto ay nakamit naman ng Bandang Silangan ang Ikalawang Puwesto sa 2019 Regional Brigada Eskwela Jingle Making Contest na nilahukan ng lahat ng dibisyon sa punong rehiyon . Ang tagumpay na ito ay nagbigay ng karangalan hindi lamang sa ating paaralan bagkus ay sa buong dibisyon ng Pasay. Pagbati para kina Kennard Mejes, Jassfer Laran, Andrei Narral, Arabella Mandanas Jamerine Santos, Lyan Balbosa at Donna Danota sa patnubay nina Ms. Sonia Baes at Mrs. Lourdes Leal, sila ang mga laking Silangan, sila ang BANDANG SILANGAN.
Tara na sa Brigada Eskwela
2019 Division of Pasay City Brigada Jingle
Composed and Peformed By: Bandang Silangan
Intro:
Tayo na , tara na ,dito sa Brigada Eskwela (2x)
First Verse:
Nais mo ba ng ligtas na Paaralan?
Halika na at ika’y maki-isa
Walis at daspan ang ating sandata
Maging handa sa mga sakuna
Refrain:
Sa isang simpleng paraan
Ginhawa ay makakamtan
Chorus:
Tayo na , tara na , dito sa Brigada Eskwela
Simulan na ang kaligtasan , dito sa Brigada Eswkela
Matatag na bayan para sa maunlad na paaralan
Sa tulong ng Dep-Ed at mamamayan
Bridge:
Ikaw , ako , sila tayo
Chorus:
Tayo na ,tara na ,dito sa Brigada Eskwela
Simulan na ang kaligtasan, dito sa Brigada Eskwela
Matatag na bayan para sa maunlad na paaralan
Sa tulong ng Dep-Ed at mamamayan
Dito sa Brigada Eskwela



