Mamamahayag ng Silangan, Humakot ng Parangal

          Nag-uwi ng 16 na medalya ang Silangan sa ginanap na 40th Pasay City Secondary Schools Press Conference, na isinagawa noong Setyembre 5 hanggang Setyembre 7 sa Jose Rizal Elementary School.

Nasungkit ng mga mamamahayag ng Ang Libay ang siyam na medalya sa 12 kategorya sa Filipino, ikatlong pwesto sa pagsulat ng balita si Honey Lenn Sugano, ikatlong pwesto sa pagsulat ng lathalain si Abegail Medina, ikatlong pwesto sa kartung editoryal si Marco Steve Monastrial, ikaapat na pwesto sa pagsulat ng artikulo sa agham at teknolohiya si Dave Traquiña, ikalimang pwesto sa pag-uulo’t pagwawasto si Mariz Anne Española, Best Page Designer in Online Publishing si Jonel Siervo, Best in Photojournalism in Collaborative and Desktop Publishing si Alieza Mei Mier, Best Anchor in TV Broadcasting si Etienne Prince Lagaña, at Best in Infomercial in Radio Broadcasting si Jessamae Denine Petalio.

Samantalang ang The Fawn naman ay nagkamit ng pitong medalya sa 12 kategorya sa Ingles, unang pwesto sa pagsulat ng balita si Margarita Jaice Trinidad, ikatlong pwesto sa pagsulat ng lathalain si Timithy Parrucho, Ikaapat na pwesto sa photojournalism si Karlo Ticman, ikaapat na pwesto sa pagsulat ng artikulo sa agham at teknolohiya si Swamyl Swaminatha, ikaapat na pwesto sa pagsulat ng balitang isports si Xian Egneo, ikalimang pwesto sa pagsulat ng editoryal si Winona Asinas at Best Feature Writer- Collaborative Desktop Publishing si Nathaniela Bendian.

Masayang umuwi ang mga batang mamamahayag ng Silangan dala ang bagong pag-asa na muling makikita ang ningning ng liwanag na nagmumula sa Silangan sa darating na Regional Press Conference. By: -JCR